Saturday, 18 November 2017
National News Tagalog News

DEFENSE SECRETARY LORENZANA, PINAYUHAN ANG PUBLIKO NA MAGING MAPANURI SA MGA ULAT UKOL SA GULO SA MARAWI

Pinayuhan ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana ang publiko na maging maingat at mapanuri sa mga paniniwalaan at ise-share na balita kaugnay sa kasalukuyang kaguluhan ngayon sa lungsod ng Marawi.

Ito ay matapos lumabas ang bali-balitang aabot na raw sa 2,000 sibilyan ang napatay sa palitan ng putukan sa pagitan ng kasundaluhan at ng teroristang grupong Maute na kasalukuyang nananalanta ngayon sa nasabing lungsod.

Ayon kay Lorenzana, wala pang nabeberikang datos ang mga otoridad dahil patuloy pa rin ang operasyon ng militar.

Sa nilabas na ulat ng diyaryong The Daily Tribune, aabot na raw sa 2,000 ang namamatay na sibilyan at pinagtatakpan lang ito diumano ng militar.

Nakuha raw ng The Daily Tribune ang nasabing bilang sa isang hindi-pinagngalanang miyembro ng PDP-Laban.

Sa huling tala ng militar, 39 na sibilyan ang nadamay at napatay sa palitan ng putukan sa pagitan ng dalawang pwersa.

Post Comment