Tuesday, 21 November 2017
Headlines Military News

TAGALOG NEWS | AFP, INIHAYAG NA TRUE PATRIOTS ANG MGA MAGULANG NG MGA BAYANING SUNDALO

gold afpTinawag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ‘true patriots’ ang mga magulang ng mga sundalong nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan sa Marawi City.

Sinabi ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, na ang mga magulang ng mga sundalo ang maituturing na mga tunay na bayani.

Dahil aniya, pawang katatagan ang ipinakita aniya ng mga pamilya, at may kasamang karangalan sa pagtanggap sa sinapit ng kanilang mga kaanak na sundalo.

Binigyang-diin pa ng opisyal na labis siyang naantig sa isang interview sa magulang ni Marine Lieutenant John Frederick Savellano kung saan sinabi ng mga magulang nito na sa halip na makiramay, ay dapat ‘congratulations’ ang binabanggit sa kanila dahil nakapag-palaki sila ng isang bayani.

Ayon naman kay Marine commandant Maj. Gen. Emmanuel Salamat, walang ni isa sa mga pamilya ang kumwestyon sa pagkasawi ng kanilang mga kaanak na sundalo sa Marawi.

Aniya, aware ang mga ito sa tungkulin ng Marines kung saan kasama rito ang pagbubuwis ng kanilang buhay.

Sa huli, sinabi ni Salamat na isang inspirasyon ang mga nasawing sundalo sa militar dahil nagpakita ang mga ito katapangan at pagsasakripisyo sa tungkulin.

 

Post Comment