Saturday, 18 November 2017
Uncategorized

SEN FRANCIS ESCUDERO | On Martial Law Declaration in Mindanao and AMLA amendments

Senator Francis Chiz G EscuderoQUESTION: Sir, is there a need talaga to declare martial law?

ESCUDERO: Sa kaganapan ngayon tingin ko, oo dahil na-take over daw ang ilang establishments at ilang ang government offices sa Marawi na kino-confirm pa rin hanggang sa ngayon. Ang importante maibalik ang kaayusan, mapangalagaan ang kapayapaan at kaligtasan ang mga kababayan natin duon. Siguro yung pag debate tungkol dito hayaan natin dumating sa mga susunod na araw.

Sa ilalim ng Saligang Batas, hindi kailangan i-confirm ng Kongreso o i-affirm ng Kongreso ang deklarasyon ng Pangulo. Ang pwede lamang gawin ng Kongreso ay i-revoke o kapagka hiniling ng Pangulo; i-extend ito. Pero hindi kinakailangan ng approval, affirmation, consent o confirmation ng Kongreso bago maging ganap o bago mapatupad ang martial law sa buong Mindanao.

QUESTION: Sir ang technicalities tama ba you we need to jointly voting?

ESCUDERO: Ayon sa Saligang Batas, boboto jointly ang Kongreso at ang Senado at ang kailangan ay majority of all members para i-revoke o para i-extend. Ginawang magaang talaga yung pamamaraan ng pagboboto para mas madaling i-revoke kung kinakailangang i-revoke. So kung mayroong 297 members of the House of the Representatives ngayon; idagdag mo yung dalawampu’t tatlong miyembro ng Senado dahil wala na si Senator Cayetano so ang kinakailangang boto ay 161 para i-revoke o 161 para i-extend yan kung hihilingin ng Pangulo lampas sa 60day period.

QUESTION: Sir the mere fact na majority ng Congressmen and Senators ay allies ng administration, most probably walang mag…hindi mare-revoke.

ESCUDERO: Most probably depende sa lalim at seryoso ng sitwasyon duon. Pero siguro mahalaga within 48hours kailangang magsumite ng report ang Pangulo in person or in writing ng tunay na kalagayan at sitwasyon duon at base duon, ‘yun ang pagbabasehan ng pagpapasya ng Kongreso kung ito nga ba ay ire-revoke o hindi. Ni hindi papasok ‘yun sa pina-extension dapat hilingin pa ng hiwalay ‘yun ni Pangulong Duterte.

QUESTION: Sir, tingin niyo ba bakit kailangang i-cover yung buong Mindanao and not just Marawi or nearby provinces.

ESCUDERO: Ayoko munang husgahan hantayin ko yung pagsumite ng report dahil isang buong isla ‘yun na maaring lumampas o maaring tumatakbo sa ibang lugar labas sa Marawi, labas sa Lanao Del Sur yung kanilang mga tinugtugis. Inaasahan ko magiging bahagi o kasama ng report yun. Liwanagin ko rin, hindi tama at totoo yung sinabi na automatically it will entail the suspension of privilege of writ of habeas corpus. Kailangang hiwalay din ang deklarasyon pa ang Pangulo kaugnay ng pag suspinde ng privilege of the writ of habeas corpus na tila hindi kasama sa kaniyang deklarasyon.

QUESTION: So ano na yung ini-entail ng martial law na dineclare niya.

ESCUDERO: Ang ibig sabihin nun pwede na niya ngayon gamitin kapagka may martial law ang Armed Forces of the Philippines para gumanap sa law enforcement functions na dapat sana PNP lamang ang gumagawa. So pwede, diba parang sa Metro Manila wala namang tayong nakikitang sundalo sa mga kalye natin na nagche-checkpoint; puro pulis lamang yun. Dahil law enforcement function ‘yan at civilian function yan subalit nung nagdeklara ng martial law sa isang lugar maaring gamitin ang kasundaluhan para gampanan ang tungkulin at tradisyon na ginagampanan ng Philippine National Police kaugnay sa pagpapanatili ng kapayaan.

QUESTION: Sir, anong klaseng warrantless arrest ang pwedeng gawin under martial law?

ESCUDERO: Hindi na ito tulad ng 1972, nagfa-function pa rin an gating Saligang Batas, nagfa-function pa rin ang ating Korte. Ang pwedeng warrantless arrest pa rin ay iyung pwede pa rin sa ilalim ng kasalukuyang umiiral na batas at mga desisyon ng Korte Suprema. In fact, maski na suspendihin pa ang privilege of the writ of habeas corpus ang kailangang sinumang mahuhuli kasuhan pa rin nila sa loob ng tatlong araw. Hindi parin lumagpas doon, e yun din naman yung maximum period sa arbitrary detention na itinatalaga sa revised penal code so pareho lang din naman halos walang pinagkaiba. Pangalawa, pwede lamang nilang gamitin yung suspension of the privilege of the writ sa kasong rebelyon at hindi sa iba’t ibang uri ng kaso. Halimbawa, nasa kalagitnaan tayo ng giyera daw laban sa droga, hindi pwedeng gamitin ‘yon para sa drug arrests. Pwede lamang gamitin ang suspension of the privilege of the writ sa mga kakasuhan ng rebelyon o kaugnay ng mga krimen sa ilalim ng revised penal code.

QUESTION: Which is applicable now kasi rebellion yung sinasabi nilang Maute.

FGE: Yes, applicable ‘yon ngayon. Dahil nga sa masamang karanasan natin sa martial law nung nakaraang panahon sa kasaysayan ng bansa, ang ginawa ng mga nagsulat ng Saligang Batas natin na sobrang daming safeguards ng pagdeklara ng martial at pagsuspend ng privilege of the wirt. In fact, hindi tulad noon walang military court na pwedeng mag-try sa isang sibilyan, civilian courts parin ang dapat sampahan ng kaso laban sa sinumang mahuhuli nila kaugnay ng ginawang rebelyon, panununog, o pagpatay na ginagawa ngayon sa Marawi at ilang parte ng Lanao del Sur.

QUESTION: Sir, so once natanggap ninyo yung report ni President Duterte magko-convene na.

FGE: We are in session. The leaders of both houses will decide to meet and convene only to revoke. Kung walang pagpapasya kaugnay sa pagrevoke, kung walang motion kaugnay sa pagrevoke, kung nagkaroon ng consensus na hindi ire-revoke, ni hindi kailangan pag-usapan. Pero para sa akin, mas gusto kong pag-usapan at kung kinakailangan, pagbotohan para maliwanag yung mandato. Pero under the Constitution, technically speaking, pag walang ginawa ang Kongreso, hindi nagbotohan para i-revoke, valid yung martial law, subsisting yung martial law sa loob ng animnapung araw. Magkakaroon lamang ng trabaho o function ang Kongreso kung ito’y ire-revoke o ie-extend matapos hilingin ng pangulo bago matapos ang 60 day period.

QUESTION: Pero Sir, anong implication nung yung buong Mindanao within 60 days under martial law?

FGE: Ang implikasyon nun ay pwedeng magamit ang Armed Forces of the Philippines, gaya ng sinabi ko, para mapatupad so huwag masa-shock, huwag magugulat ang ating mga kababayan sa Mindanao kung marami silang makikitang sundalo nan aka-full battle gear na nagmamanman, lumilibot-libot, at ginagampanan yung tradisyunal na alam nilang trabaho ng Philippine National Police.

QUESTION: Sir, yung mga checkpoints, that’s part of it.

FGE: Kasama ‘yon, bahagi ‘yon pero ligal din naman ang checkpoint kahit sa Metro Manila may martial law man o wala.

QUESTION: Sir, si President sinabi niya kasi yung martial law daw it would be like during Marcos’ time pero you are saying hindi naman siya katulad nung noon.

FGE: Hindi na katulad ng dati dahil nga sa karanasan natin noon, pinagtibay nung mga nagsulat ng Saligang Batas na protektado ang karapatan ng ating mga kababayan sa kabila at sa gitna ng deklarasyon ng martial law.

QUESTION: Sir, kahit hindi kayo mag-revoke, gusto niyo magkaroon ng joint session.

FGE: Para lang dinggin yung report, mapag-usapan. Hindi ko rin alam kung anong opsyon ang pipiliin ng Pangulo kung siya mismo ang haharap dahil nakalagay sa Saligang Batas, in person or in writing, may option at choice ang Pangulo kung paano niya bibigyan ng report ang Kongreso within 48 hours matapos niyang ideklara ang martial law.

QUESTION: Sino ho ang magpe-precide sa joint session?

FGE: Joint din, parang SONA.

QUESTION: So, sa House ‘yon?

FGE: Hindi sila pwedeng magpunta dito kasi hindi sila kasya dito, for practical purposes.

QUESTION: Kailangan ba may proclamation na inisyu si Presidente?

FGE: Yes and we expect that to be submitted in writing to us within 48 hours.

QUESTION: Pwedeng ipadala lang naman?

FGE: May choice siya, pwede siyang mag-appear, pwede siyang magpadala.

QUESTION: May effect na ba kasi wala pang issuance diba?

FGE: Hindi kasi let’s say ayaw ng isang House magrevoke, they will simply refuse.

QUESTION: So Sir, hanggat wala yung formal proclamation, hindi parin effective yung martial law.

FGE: No, effective ‘yan upon declaration.

QUESTION: So, kagabi, ten o’clock effective na.

ESCUDERO: Effective iyan upon declaration up to the 60-day period, maximum 60-day period. Sabi niya 60 days e. It’s already running. Now in revoking, Congress has a choice to either revoke it for the remaining 30 days-40, 50-day period. Or congress can decide to revoke it insofar as in coverage of the entire island of Mindanao and limited only to–maraming choices ang kongreso ha. So, hindi kailangan ang revocation. Yes or no lang.

QUESTION: Sige sir. Puwedeng i-on cam lang iyong what kind of revocation? Sir, if Congress will choose po anong klaseng revocation?

ESCUDERO: Maraming pamamaraan ang revocation kung iyan man ang magiging pasya ng Kongreso ang puwedeng gawin. Puwedeng sa period hindi ganoong kahaba tulad ng 60-day maximum period. Puwedeng ilimitahan sa 10, 20, 30, 40. Pangalawa, puwede ring limitahan ang scope o coverage pagdating sa geographic area na kino-cover ng deklarasyon ng pangulo at pangatlo siyempre puwedeng i-revoke lang din completely iyong deklarasyon both with respect to the 60-day period with respectives coverage to the entire island of Mindanao.

QUESTION: Okay, thank you sir. Sir, hindi kaya magkaroon ng cases ng mga abuses? Is that possible?

ESCUDERO: Siguro para sa akin, ngayon at sa susunod na apatnaputwalong oras ang mahalaga sa akin ay ang kaligtasan ng ating mga kababayan at mapanatili at manumbalik ang kaayusan, kapayapaan sa lugar na iyon. Siguro ang panawagan ko sa mga miyembro ng Armed Forces at ng PNP gayundin, sana maging maingat sa karapatan ng ating mga kababayan at hindi gamiting pagkakataon ito para gumawa ng anumang pang-aabuso o pang-aapi at paglapastangan sa karapatang pantao. Lalo na at partikular na ng mga sibilyan. Pero kabilang na rin siyempre ang mga abusado at maaring mahuli nila kaugnay sa nagaganap na rebelyon doon.

QUESTION: Sir, briefly ano ang nilalaman ng committee report sa AMLC?

ESCUDERO: Kino-cover naming ang casinos sa ilalim ng AMLC kasi para mas may komprehensibong bill. Mukhang hindi aabot bago kami mag recess. Ang importante ay makapasa kami ng panukalang batas; House at Senate na puwedeng maipresenta sa APG, Asia-Pacific Group at ng FATF. Para sa gayon ay makita naman nila na tayo ay umaabante. Patuloy pa rin ang deliberasyon sa mas komprehensibong panukalang batas hiwalay dito sa nais naming maaprubahan ngayong hapon ng second reading na coverage ng casinos sa AMLC.

QUESTION: Sir, pirmado na ng majority?

ESCUDERO: Inaayos ko pa. Before three.

QUESTION: Sir, iyong 48 hours kailan magla-lapse iyon?

ESCUDERO: Magsisimula iyon ng deklarasyon, So kung nagdeklara siya ng ten o’clock ng gabi, maglalapse iyong 48 hours ng ten o’clock ng gabi bukas ng Huwebes.

QUESTION: Thank you , sir.

SENATE / MCAG

Post Comment