Monday, 20 November 2017
Headlines Military News Tagalog News

AFP, tumanggap ng mga bagong armas panlaban sa terorismo

afp-genuine-logoTumanggap ng bagong counter-terrorism equipment ang Philippine Army, at Philippine Marines mula sa Joint US military assistance group o JUSMAG na bahagi ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines at ayuda ng US Goverment.

Pinagka-loob ng mga opsiyal mula sa US Embassy at JUSMAG sa Philippine Army at Marine Corps ang mahigit apat na raang M203 grenade launchers at 85 na M40A5 sniper rifles bukod pa ang mga iyan sa RQ-11B Raven unmanned aerial vehicle system na binubuo ng tatlong drones

Sinasabing malaking tulong ang raven sa pagkalap ng intelligence, mission planning at reconaissance collection.

Samantala, malaki ang pagtitiwala ng US na dahil sa mga bagong kagamitan, mas mapapalakas pa ang operasyon ng AFP sa pagsugpo sa mga terorista.

Post Comment