Tuesday, 21 November 2017
Entertainment Headlines Military News

NAVSOG, Siniguro ang Seguridad ng Miss Universe Candidates

Manila —  Idineploy ang Commandos ng  Naval Special Operations Group o NAVSOG, na siyang elite warfare ng Navy para sa seguridad ng mga Miss Universe Candidates sa pagdayo nila sa isang beach resort sa Batangas kahapon.

Bumisita kahapon sa Navy Headquarters ang mga kandidata kasama si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang NAVSOG ang nag-escort sa kanila at nagsilbing security sa mga sinakyang yate ng mga contestants.

Ang naturang security at accommodation ng Navy ay manipestasyon umano ng kanilang suporta at commitment sa tourism initiatives ng pamahalaan.

Pinangunahan ni Navy Chief Vice Admiral Ronald Joseph Mercado ang naval personnel na siyang sumalubong sa mga Miss Universe Candidates at Pageant Organizers na may kasama pang military honors sa kanilang pagdating.

Kasama rin ng mga kandidata si dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson na isa sa mga major sponsor ng naturang patimpalak.

Post Comment