Saturday, 18 November 2017
Business Headlines News Photos

THE PHILIPPINE COMPETITION COMMISSION

THE PHILIPPINE COMPETITION COMMISSION

The Philippine Competition Commission is an independent quasi-judicial body created to promote and maintain market competition by regulating anti-competitive conduct.

The main role of the Philippine Competition Commission is to ensure fair competition in the market for the benefit of consumers and businesses.

WHY COMPETITION MATTERS

  • Competition leads to both economic growth and reduced poverty. It helps markets work better, fosters innovation, and protects investors and consumers. It will help to encourage wider domestic and foreign direct investments.
  • Competition provides an improved enabling environment for small and medium enterprises that are critical to more inclusive economic growth and development in the country.
  • Consumers win because free and fair competition leads to more choices, lower prices, and higher quality of goods.

KEY PROVISIONS OF THE PHILIPPINE COMPETITION ACT

  • The Creation of a Philippine Competition Commission.The Commission will be composed of 1 cabinet secretary-level Chairman, and 4 Commissioners. They will serve for 7 years, without reappointment and shall enjoy security of tenure.
  • Prohibited Anti-Competitive Agreements and Acts.The law provides for per se violations, namely:
  • Restricting competition as to price, or components thereof, or other terms of trade;
  • Fixing price at an auction or in any form of bidding including cover bidding, bid suppression, bid rotation and market allocation and other analogous practices of bid manipulation;

Other anti-competitive agreements whose “object or effect of substantially preventing, restricting or lessening competition” are also prohibited but subject to “rule of reason”. These include:

  • Setting, limiting, or controlling production, markets, technical development, or investment;
  • Dividing or sharing the market, whether by volume of sales or purchases, territory, type of goods or services, buyers or sellers or any other means.
  • Mergers and Acquisitions.Merger or acquisition agreements that substantially prevent, restrict or lessen competition are prohibited.

Parties to the merger or acquisition agreement where the value of the transaction exceeds One Billion Pesos (P1,000,000,000.00) are required to notify the Commission of such agreement, and they cannot consummate the same without the approval of the Commission. The Commission may also prescribeother criteria (e.g., increased market share in the relevant market in excess of minimum thresholds) that would trigger this notification requirement.

  • Abuse of Dominant Position.Entities (whether companies or individuals) are prohibited from abusing their dominant position by engaging in conduct that would substantially prevent, restrict or lessen competition. Such conduct includes predatory pricing, imposing barriers to entry in an anti-competitive manner, unfair exercise of monopsony power, among others.
  • Relationship with Existing Sector Regulators.The Commission will have original and primary jurisdiction over all competition-related issues. It shall also have jurisdiction over all other issues that involve both competition and noncompetition issues, but the concerned sector regulator must be consulted and afforded reasonable opportunity to submit its own opinions and recommendations before the Commission can make its decision.
  • Fines and Penalties.Administrative fines of up to P250 million pesos can be imposed. This amount is subject to adjustment every five years to maintain its real value. Criminal penalties for anti-competitive agreements are punishable by imprisonment of 2 to 7 yearsand a fine of P50 million pesos to P250 million pesos. In addition, the Commission is empowered to impose significant fines and penalties for contempt, failure to comply with its orders, or for supplying misleading or false information.
  • Confidentiality of Information.The law protects confidential business information submitted to the Commission. The identity of the persons who provide information to the Commission under condition of anonymity, as a rule, would likewise remain confidential.
  • Prohibition on the Issuance of Temporary Restraining Orders, Preliminary Injunctions and Preliminary Mandatory Injunctions.Only the Court of Appeals and the Supreme Court may issue a temporary restraining order, preliminary injunction or preliminary mandatory injunction against the Commission in the exercise of its duties or functions.

 

  1. Ano ang Philippine Competition Commission?

Ang Philippine Competition Commission o PCC ay isang bagong ahensya ng gobyerno na nabuo sa bisa ng Philippine Competition Act, na nilagdaan ni dating Pangulong Aquino noong July 2015. Nabuo ito noong Pebrero 2016.

Bagamat katunog nito ang Philippine Sports Commission, walang  kinalaman ang PCC sa sports o anumang paligsahan.

Ang PCC ay ang competition authority ng bansa. Mandato nitong bantayan at palawigin ang kumpetisyon sa merkado at mga industriya para maging patas ang labanan, lalo na sa presyo ng mga produkto at sa serbisyo.  Ang layunin nito ay para maprotektahan ang karapatan ng mga mamimili o mga consumers.


  1. Ano ang pagkakaiba ng PCC sa Department of Trade and Industry o DTI?
    Katuwang ng PCC ang DTI sa pagsiguro na protektado ang karapatan at kapakanan ng mga mamimili. Pero iba ang mandato naming sa kanila dahil hindi naming binabantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin (price monitoring).

Instead o sa halip, nakatuon ang aming pansin sa “conduct” ng mga kumpanya at negosyo para matiyak na wala silang ginagawa na lumalabag sa Philippine Competition Act.
Pero sakaling, madalas-dalas ang pag-taas ng presyo ng mga bilihin, pwede itong i-report at isangguni sa amin ito ng DTI para ma-imbestigahan ng PCC kung may kinalaman sa usapang kumpetisyon ang pag-galaw ng presyo.

For instance, may price-fixing ba? Nag-sabwatan ang mga manufacturers na ipapako nila sa ganitong halaga ang presyo ng kanilang produkto? Pinag-usapan ba nila na sabay-sabay nilang itataas ang presyo ng mga bilihin? Yan ang aming tinitingnan at uusisain.

Mayroon din kaming partnership sa pamamagitang ng Memorandum of Understanding sa iba pang ahensiya ng gobyerno-  hindi lamang ang DTI kung hindi maging ang mga regulators tulad nalang ng National Telecommunications Commission, Bangko Sentral ng Pilipinas o BS, Securities and Exchange Commission, Department of Energy, maging ang Ombudsman. Nagkaroon na rin kami ng paunang pulong sa LTFRB tungo na rin yan sa general partnership.

  1. Anu-ano ang mga halimbawa ng anti-competitive acts o mga gawain na
    lumalabag batas o Philippine Competition Act?

    Ilan sa mga halimbawa ng anti-competitive acts o paglabag sa competition law ay ang pagkakaroon ng PRICE- FIXING, CARTEL o sabwatan ng mga manufacturers o mga negosyante para sabayang itaas o ipako ang presyo ng kanilang produkto at serbisyo.

    Para sa mga malalaking negosyo, ang pag-abuso ng kanilang impluwensiya o abuse of dominance ay tinuturing na anti- competitive.

Halimbawa, para sa  manufacturer o gumagawa ng sabon, pwede niyang abusuhin ang kanyang impluwensiya at sabihan ang mga suppliers na  itigil ang pag-deliver ng raw materials or sangkap sa paggawa ng sabon si SOAP COMPANY Y o Z dahil gusto niyang mapigilan ang posibleng pag-asenso at pag-laki ng kanyang kalaban na brand.

Tinuturing na-paglabag din sa batas kapag binibili ng mga mas malaking kumpanya ang bahguhan o mas maliit na karibal nito sa negosyo.
Ang ganitong gawain kasi ay nakaka- restrict at nakakabawas ng pag-usbong ng mga bagong kumpanya na tinuturing na paglabag sa batas.

Mainam na rin itong pagkakataon para mabigyan ng paalala o babala ang mga kumpanyang posibleng inaabuso ang kainlang impluwensiya at saklaw sa kanilang industriya na pwede silang

Para sa mga kumpanyang mapapatunayang lumabag sa batas o iyong anti- competitive, possible silang pag-multahin ng PCC  ng aabot  sa P250 million.


4. Ano ang saklaw ng kapangyarihan ng PCC?

Malawak ang saklaw ng kapangyarihan ng PCC.  Iba-ibang industriya ang sakop nito gaya ng telco, manufacturing, cemento, agrikultura maging ang mga malalaking negosyong gustong mag-merge o magsanib pwersa sa ibang kumpanya. Aming paglilinaw na ang aspeto lamang kumpetisyon sa mga sector ang sakop naming at maayos ang aming pakikipag-ugnayan at tulungan sa ibang regulators

Bahagi ng pwede at kaya nitong gawin, batay na rin sa batas ay ang  pag – buwag sa cartel, pag-hinto ng price fixing.

Maaari rin kaming mag-rekomenda sa iba’t ibang mga ahensiya ng gobyerno na baguhin o i-rebisa ang mga panuntunan nila para maging pabor sa kompetisyon ang kalakaran.

5. Para 2017, anu-anong mga industriya o sektor ang tututukan ng PCC?

Sa taong ito, ang pinaka- focus o pag-tutu-unan ng pansin ng PCC ay ang  pagpalaganap ng kompetisyon sa lahat ng industriya sa bansa, lalong lalo na sa shipping, agrikultura, utilities – o mga araw-araw nating ginagamit tulad nalang ng kuryente, semento, gamot o pharmaceuticals.

Nasa radar din natin ang mga naglalakihang Mergers &Acquisitions. Ito yung pagsasanib-pwersa ng mga ibang negosyo para maging mas malaki ang sakop at impluwensiya nito.

Pag-aaralan at titingnan ito ng ahensiya lalo na  kung Isang bilyong piso o mahigit (P1Billion) ang halaga ng transaksyon. Posible kasing maka-apekto ito sa ibang industriya sa bansa.

Isinama na rin sa tanatawag na “priority sector” maging ang transportation at logistics.

6. Nito lamang August 8,2017 ay natapos na ang tinatawag na “transitory period” ng PCA.  Ano ang epekto nito sa mga kumpanya at ibang negosyong saklaw ng inyong ahensiya?

Kung inyong matatandaan, naisabatas ang Philippine Competition Act nuong Agosto ng taong 2015. Nakasaad sa batas na bigyan ng dalawang taong palugit ang mga kumpanya para isaayos ang kanilang mga patakaran at tiyakin  na hindi ito lumalabag sa anumang probisyon ng PCA.

Nitong ika-8 ng Agosto natapos ang palugit na ito. Ibig sabihin, may ngipin na ang batas at  maaari nang papanagutin at kasuhan ng PCC kung kinakailangan ang mga kumpanyang mapapatunayang gumawa ng anti-competitive practices.

7. FINES AND  PENALTIES – magkano ang multa para sa mga negosyo at  kumpanyang mapapatunayang anti-competitive ang mga Gawain gaya ng price fixing, bid- rigging, cartel?

Para sa kumpanya at negosyong mapapatunayang nagsabwatan sa pag-restrict ng prices at may kinalaman rin sa pag- manipulate ng bids, pwedeng patawan ng administrative fines of up to P100 million for the first offense.

Sa second offense pwedeng umabot sa P 250 million ang multa. Walang multa para sa kasong criminal dahil  pagkakakulong na hindi bababa sa dalawang taon (imprisonment of two (2) to seven (7) years ang parusa dito

Nakasaad din sa section 14 ng PCA o Philippine Competition Act  bawal din ang agreements between or among competitors that set, limit or control production, markets, technical developments or investments or divide or share the market.


8. Maaari bang i-report o i-reklamo ng mga consumers ang mga anti-competitive practices sa PCC?

Yes! Pinag-aaralan namin kung ano ang pinaka-epektibong paraan para maparating sa PCC ang inyong mga  reklamo pang-– indibidwal man o grupo kaugnay ng mga anti-competitive acts.

Pansamantala www.queries@phccc.gov.ph ang email address kung saan pwede ninyo ipadala ang mga sumbong, reklamo at katanungan.

Babalitaan po namin kayo sa oras na handa na ang  hotline at kung may iba pang developments na pwede naming ibahagi sa inyo.

Kailangan namin ng tulong at kooperasyon ng publiko para mapanagot ang mga kumpanya at negosyong posibleng inaabuso ang market dominance o laki ng sakop at impluwensiya nila, o involved sa price – fixing, cartel at bid-rigging. Kapag  may competition sa anumang industriya o sector, tiyak na makikinabang  ang mga consumer at negosyo.

Para sa mga consumer, dadami ang choices o mapagpipilian  sa produkto o serbisyong gustong tangkilikin at bababa ang presyo dahil sisikapin ng mga negosyong gawing attractive ang presyo nila.  Para sa mga kumpanya, mahihikayat silang  pag-igihin ang kalidad ng produkto at gawing reasonable ang halaga para hindi matalo ng mga karibal o ka-kompetensiya na negosyo.

9. Noong Hulyo ay inanunsyo ni Senator Cynthia Villar na isusumbong niya sa PCC ang umanoy garlic cartel. May pormal na bang komunikasyon sa pagitan ng PCC at ni Sen.Villar? Paano ito aaksyunan ng PCC?

Nakipagpulong si Senator Cynthia Villar kay PCC Chairman Arsenio Balisacan kaugnay ng “umanoy” garlic cartel. Nag-papasalamat kami sa butihing Senator sa pagsama niya  sa PCC sa discussion na may kinalaman sa kartel. Nasa radar po kasi ng PCC ang mga ganyang uri ng gawain na lumalabag sa competition law.

Maituturing na “referral” ito. Patuloy ang preliminary inquiry ng Komisyon. Ibig sabihin, karagdagang pagkalap ng impormasyon ang liban pa sa mga report, at data na ibinahagi sa amin ng opisina ni Senatory Cynthia Villar patungkol sa “umanoy” garlic cartel.

Mahalaga ang preliminary inquiry para lubusan naming maintindihan ang industriya at kalakaran sa pagitan ng mga suppliers maging sa mga ang-aangkat at nagbebenta ng naturang produktong.

 

Ilan sa mga indikasyon o characteristic ng kartel ay ang biglang pag-sipa ng presyo ng bilihin sa limitadong panahon.. minsan pwede itong tumagal ng dalawang linggo o humaba ng hanggang isang buwan (please feel free to expound or give other examples and/or characteristics of cartel behavior)

10. Final message o paalala sa mga tagapakinig at mga konsumer at negosyante?

Hinihikayat po namin ang mga nag-mamay ari ng mga negosyo na maging compliant sa competition law.

May ngipin ang batas at  mabigat ang multa at parusa. Pero higit sa lahat, maganda ang balik nito sa inyong kumpanya, dahil ang pagiging compliant sa competition law ay tumutugon sa best practices. Maipagmamalaki kayo ng mga tumatangkilik sa inyong negosyo  o serbisyo (lalo na para sa stockholders ng mga publicly-listed firms).

Para sa mga consumer naman, maging mapag-matyag  at mapanuri sa business practices ng mga negosyo o kumpanyang inyong  tinatangkilik. Hinihikayat po naming kayong sumangguni sa PCC lalo na kung may nakikita kayong pag-labag sa competition law. Magtulungan po tayo para masiguro na patas ang competition sa pagitan ng mga negosyo at kumpanya  dahil mapapakinabangan ito, in the long run o sa kalaunan ng ating ekonomiya.

______________________________________________________________________

UPDATES

BID-RIGGING/BUILD, BUILD,BUILD PROGRAM
– Ang bid-rigging ay seryosong krimen, batay sa Philippine Competition Act o competition law . Kapag napatunayang guilty ang indibidwal o kumpanya, papatawan sila ng multa na posibleng umabot ng P100 million sa unang offense, P250 million sa second offense pagkakakulong na pwedeng magtagal ng pitong (7) taon.
– Paglabag din ito sa Procurement Law kaya’t hindi lang mga penalties ng paglabag sa PCA ang kanilang pananagutan.
– Tinatawag na “big ticket” deals ang mga proyektong naka-angkla sa programang Build, Build, Build  ng gobyerno, lalo na’t umaabot ang mga bids sa P1 trillion pesos kaya mahalagang matiyak na walang sabwatang mga kumpanya at nag-manipula ng proseso ng bidding.
– May paunang paguusap na kami sa Ombudsman para sa isang MOA para makapagsanib- pwersa sa paglaban sa bid riggers at mga nagmamanipula ng mga transaksyon.

GARLIC

– Nakatanggap tayo ng referral mula sa butihing Senador Cynthia Villar  kaugnay ng tinatawag na garlic cartel para ma-imbestigahan ang mga nakita niyang kahina-hinalang biglaang pagtaas ng presyo ng bawang.
– Bago pa man ito  ipinag-bigay alam sa min ni Senator Cynthia Villar,  kumakalap na ng impormasyon ang PCC mula sa mga relevant government agencies. Paraan ito para maintindihan namin ang merkado≥
– Sinusuri ng PCC ang issue dahil alam namin kung gaano ito kahalaga sa ating mga konsumer at mismo ng publiko.

CEMENT

– Nakatanggap ang PCC ng reklamo tungkol umano sa mga anti-competitive practices ng ilang mga kumpanya sa industriya ng semento.
– Nailathala na rin ito sa mga pahayagan – umuusad na ang full administrative investigation ng aming enforcement office. Ibig sabihin may malalim at masinsinang mga aspeto ng industriya ang kanilang titingnan. Hindi gaya na naunang preliminary inquiry na mga publicly available information lang ang tinitingnan.
– Isa ito sa mga priority na kaso ng PCC dahil alam naman natin na ang semento ay konektado sa BUIILD BUILD BUILD program ng gobyerno. Mga nag-lalakihang imprastraktura ang pinag-uusapan dito kaya malaking benepisyo ito sa lahat ng mga nasa naturang industriya.
– Hinihikayat natin ang mga indibidwal at mga kumpanyang nasa cement industry na mag-bahagi ang anumang relevant information kaugnay ng issue.

TRANSPORTATION/ UBER/ GRAB
– Para malinaw po ang usapin,  hindi kami nanghihimasok sa mga panuntunan ng LTFRB. Ang sakop ng aming mandato ay ang anti-competitive issues, kung meron man.
– Ang naging issue ng Transport Network Companies ay tila  isang regulatory issue. Ang mga problema at isyu lang na may kinalaman sa competition ang titingnan at susuriin ng aming Komisyon.
– Ang transportation sector ay isa sa mga priority sectors ng PCC. May ilalabas po kaming ISSUES PAPER patungkol sa transportation and logistics sector para lubusang maintindihan at maging gabay ng ahensiya sa pagtukoy ng mga anti-competitive concerns na industriyang ito. PCC/MCAG

Post Comment