Sunday, 24 September 2017
Opinion Photos

PATAY NA BA ANG MGA BAYANI?  by 2Lt Jancel Sunshine Bernardez PAF

PATAY NA BA ANG MGA BAYANI?
by 2Lt Jancel Sunshine Bernardez PAF

Wala sila sa luneta at lalong wala sa libingan ng mga bayani. Sa araw na ito saksi ako sa katapangan at kabayanihan ng mga kinikilala kong bayani ng ating bayan. Mga bayaning handang sumugal ng sariling buhay, mga bayaning kayang harapin ang panganib para mabuhay ang iba pang bayani at higit sa lahat mga bayaning tapat at buong pusong nagsisilbi sa bayan. PAF / MCAG

Ang mga tunay na bayani ay hindi ang mga “keyboard warriors” na daig pa ang tapang ng mga maute. Hindi rin ang mga raliyista na kayang tiisin ang init at pagod para sa kanilang pinaglalaban. Dahil sa mga naglipanang magkakahalong ideyolohiya at kaisipan, hindi natin mabatid kung sino ang mga tunay na bayani sa mga mapagkunwari. Bago lumipas ang Araw ng mga Bayani linawin ko lang hindi pa patay lahat ng bayani.

Sa panahong ito, may mga tao pa ring handang magbuwis ng buhay para sa kapakanan ng nakararami. May iba naman na handang suungin ang lahat ng panganib at hindi alintana ang hirap at pagod para sa serbisyo sa bayan. Pero nasaan na ba sila?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Post Comment