Friday, 24 November 2017
National News Tagalog News

BILANG NG MAUTE TERRORISTS SA MARAWI CITY, NASA 40 NA LANG

Bumaba na sa 20 hanggang 40 ang bilang ng  mga natitirang miyembro ng teroristang grupong Maute sa Marawi City.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brigadier General Restituto Padilla na bagamat kaunti na lamang ang bilang ng mga terorista doon ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagtutok sa dalawa pang barangay sa siyudad dahil sa mga natitira pang bihag na hawak pa rin ng Maute.

Dagdag pa niya, hindi dapat ikatakot ng mga residente ang pagpapatuloy ng Martial Law sa buong Mindanao dahil para rin naman ito sa kanilang kaligtasan.

Sa kasalukuyan, 562 Maute terrorists na ang napatay ng tropa ng pamahalaan samantalang nasa 104,000 na pamilya na ang nailikas mula sa Marawi.

 

 

Post Comment