Sunday, 24 September 2017
News Police Tagalog News

BATAAN POLICE, NAGSAGAWA NG ANTI-TERRORISM EXERCISE

Nagsagawa ng anti-terrorism simulation exercise ang Police Public Safety Company (PPSC), Special Weapon and Tactics (SWAT), Bomb Squad at ang Abucay,Bataan Police bilang bahagi ng kanilang paghahanda laban sa terorismo at krimen.

Pinangunahan ni SPO2 Roy Castillo ng PPSC ang briefing sa mga nakiisa bago isagawa ang drills.

Sa kasagsagan ng simulation exercise, limang lokal na terorista ang nagpanggap na namatay dahil sa pagtatangkang atakihin ang mga police station.

Sa isang kotse, nakasakay ang isang armadong lalaki habang ang isa naman ay suot ang uniporme ng pulis at lumapit sa front gate ng himpilan para umano mag-iinspeksyon.

Bilang tugon ay hiningan ng mga naka-duty na police officers ng password ang nagpanggap na pulis at nagpaputok ang kasama nito na armadong lalaki.

Dalawang pulis ang gumanti ng putok at napatay ang isa sa mga terorista bago nagpatawag ng reinforcement ang Deputy Police Chief ng istasyon.

Post Comment