Thursday, 17 August 2017
National News Tagalog News

ROAD REPAIR, ISASAGAWA NGAYONG WEEKEND

Naglabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista para sa mangyayaring road reblocking sa ilang lugar sa Quezon City, Pasig at Caloocan City ngayong weekend.

Magsisimulang ayusin ng Department of Public Works and Highways ang ilang mga kalsada simula ngayong Biyernes, 11:00 ng hapon.

Dagdag pa ng MMDA, mas makabubuting gumamit na lamang ng alternate route ang mga motorista upang makaiwas sa mabigat na trapiko.

Ang mga sumusunod ay ang mga naturang kalsada.

SOUTHBOUND:

– Bonifacio Avenue between Del Monte St. after Binhagan St., Quezon City (2nd lane)

– EDSA near Trinoma, Quezon City (2nd lane)

– C-5 Road near Julia Vargas, Pasig City

  NORTHBOUND:

– MacArthur Highway near Monumento Circle, Caloocan City

– Mindanao Avenue near Road 20, Quezon City (2nd lane)

– Manila East Road in front of SM East Ortigas, Pasig City

– Congressional Avenue Extension between Visayas Avenue to Tandang Sora Ave., Quezon City (3rd lane)

– Along Quirino Highway between Regalado Avenue North to La Mesa Dam, Quezon City (2nd lane)

 WESTBOUND:

– Luzon Avenue between Commonwealth Ave. to Congressional Ave. Extension, Quezon City (1st lane)

 

Samantala, manunumbalik naman ang maayos na daloy ng trapiko sa lunes ng umaga.

Post Comment