Wednesday, 18 October 2017
News Tagalog News

Planong pagpapakawala ng  missle ng North Korea sa Guam, pinaghahandaan na ng DND

Naghahanda na ngayon ang Department of National Defense (DND) sa planong pagpapakawala ng missile ng North Korea sa Guam sa harap ng tumitinding away ng dalawang bansa

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, posible umanong hindi maging accurate ang pagpapakawala ng missile ng North Korea sa Guam at ang kanilang pinangangambahan ngayon maging ni Pangulong Rodrigo Duterte ay baka tumama ito sa teritoryong sakop ng bansa.

Dahil dito bahagi ito ngayon ng Disaster Management Plan ng DND upang mapaghandaan ang anumang magiging resulta ng missile attack ng North Korea sa Guam.

Maliban dito posible ring mas maging magulo ang planong pagatake ng North Korea sa Guam kung gaganti para sa kanila ay ang Estados Unidos.

Malaking away ito kung matutuloy ayon kay Lorenzana kaya dapat lamang na mapaghandaan.

Post Comment