Thursday, 17 August 2017
National News Tagalog News

PHIVOLCS PINAALALAHANAN ANG PUBLIKO SA POSIBLENG AFTERSHOCKS KASUNOD NG 6.3 MAGNITUDE NA LINDOL

Pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko sa mga posibleng aftershocks kasunod ng 6.3 magnitude na lindol na tumama sa ilang parte ng Luzon.

Naramdaman ang sentro ng lindol sa Lian, Batangas dakong 1:28 ng hapon at may lalim na 160 kilometro.

Ayon kay PHIVOLCS Chief Renato Solidum, posible ang pagkakaroon ng aftershocks dahil ang tumamang lindol ay malalim at madaling maramdaman dulot ng pagkilos ng Manila trench ngunit hindi umano destructive at hindi rin inaasahan ang tsunami.

Post Comment