Wednesday, 18 October 2017
National News Tagalog News

OFW’s SA GUAM, PINATITIYAK ANG KALIGTASAN UKOL SA MISSLE ATTACK NG NoKor

Kasunod sa pagbabanta ng North Korea sa nakatakdang missile attack sa bansang Guam, nanawagan si ACTS OFW Party-list Representative John Bertiz sa gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga Filipino migrants na  naninirahan rito.

Ilang mga bansa pa sa East Asia partikular na sa South Korea, Japan at Taiwan ang nagigiit ngayon sa tensyon sa pagitan ng North Korea at Estados Unidos.

Ayon sa kongresista, dapat magkaroon ng contingency plans ang pamahalaan at maghanda na sa pagresponde.

Habang ang mga diplomats naman at negosyador ay kailangang naka-standby na sa National Security Council.

Aniya, mas makabubuti mag-convene ang konseho anuman ang mangyari sa United Nations at ibigay ang lahat ng impormasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte upang makapagdesisyon siya nang mabuti.

Dagdag pa niya, mainam na magkaroon ng plano at higit sa lahat, manatiling kalmado at manalangin upang hindi sila mapahamak lalo na at marami na ring hinarap na krisis ang mga OFW nitong mga nakaraan.

Post Comment