Thursday, 17 August 2017
National News Tagalog News

MGA BAGONG LITRATO NG MAUTE BROTHERS NA KUMAKALAT SA SOCIAL MEDIA POSIBLENG PROPAGANDA LAMANG

Malaki ang posibilidad na parte lamang ng propaganda ng grupong ISIS-inspired Maute ang mga panibagong litrato ng Maute brothers na kumakalat ngayon sa iba’t ibang social media sites kung saan makikita na kasama ng magkapatid ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon na buhay na buhay.

Ito ang pahayag na inilabas ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Gen. Restituto Padilla.

Dagdag pa niya, kinakailangan muna umanong hintayin ang resulta ng forensic examination sa mga larawan para makumpirma kung ito’y tunay o dinoktor lamang.

Naniniwala din si Padilla na nasa loob pa rin ng war zone ng syudad ang magkapatid na Maute dahil na rin sa  pananatili ng lakas ng pwersa ng Maute group at dahil na rin sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at naturang mga terorista sa Marawi City.

Post Comment