Monday, 18 December 2017
National News Tagalog News

DND, nasa 3 bilyong piso na ang nagagaastos sa Marawi

Umabot na sa halos 3 bilyong piso ang nagagastos ng Department of National Defense (DND) sa patuloy na operasyon ng militar laban sa Maute terrorist group sa Marawi City

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang halagang ito ay mula sa ibinigay na datos ng Philippine Army, Philippine Airforce at Philippine Marines.

Dahil dito sinabi  ni Lorenzana na hihiling sila sa kongreso na mag aproba ng pondo palit sa kanilang nagastos sa operasyon sa Marawi city.

Ang ginastos raw kasi nilang pera para sa mga operasyon ay pambili sana ng mas maraming equipment katulad ng bullet proof vest, helmet, night vision googles at mga bala.

Sinabi pa ni Lorenzana na posible pang magtagal ng isa hanggang dalawang buwan ang gulo sa Marawi city.

Sa ngayon na sa ika 82 araw na ang gulo sa nasabing lugar.

Post Comment