Sunday, 24 September 2017
Military National News Tagalog News

AFP, SANG-AYON SA PAGLALAYAG NG US WARSHIP SA SCS

Kumbinsido ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang masama sa paglalayag ng United States warship sa South China Sea.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, wala silang nakikitang problema sa paglalayag ng US destroyer sa naturang karagatan.

Nakasaad umano sa international law ang freedom of navigation kaya hangga’t walang paglabag sa nasabing batas.

Dagdag pa niya, bilang bahagi ng freedom of navigation kahit anong merchant o Navy ship ay malayang makapaglayag sa South China Sea.

Wala naman umanong balak ang Pilipinas na gumawa ng anumang aksiyon dahil kinikilala ng bansa ang kalayaan sa paglalayag ng Estados Unidos.

Post Comment