Thursday, 17 August 2017
News Police Tagalog News

POLICE OFFICER SA MARAWI CITY, BIBIGYANG PAPURI MATAPOS MAGPAMALAS NG KATAPATAN SA PAGSAULI NG MALAKING HALAGA NG PERA

Bibigyan ng espesyal na pagkilala ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police Regional Office Director Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac si PO1 Jose Angelo Zorilla matapos niyang bigyang karangalan ang PRO-ARMM dahil sa kanyang katapatan.

ARMM Police Regional Office Director Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac si PO1 Jose Angelo Zorilla matapos niyang bigyang karangalan ang PRO-ARMM dahil sa kanyang katapatan.

Kasalukuyan noong nasa 3-day break si Zorilla sa Cotabato City upang bisitahin ang kanyang pamilya nang subukin ang kanyang dedikasyon bilang isang police officer.

Mag wi-withdraw umano si Zorilla sa isang branch ng Land Bank of the Philippines nang makita niya ang perang umaabot sa halagang P20,000 na naka-stuck sa cash release window ng ATM kasama ang nakalawit na transaction receipt.

Ayon kay Zorilla sa isang panayam, hindi siya nagmula sa mayamang pamilya kaya naman naramdaman niya agad ang kahalagahan ng naturang pera sa nag mamay-ari nito kasabay ng pag isip niya na maaaring ang may-ari ay isang guro, sundalo o pulis na katulad niya.

Agad na binalik ni Zorilla ang pera sa bangko na nagpahanga sa mga empleyado.

Humingi rin ng tulong si Zorilla sa Catholic broadcast station dxMS of the Oblates of Mary Immaculate congregation upang mahanap ang tunay nag mamay-ari ng naturang pera.

Ayon pa kay Sindac, hindi importante ang halaga ng pera na naibalik niya kundi ang ginawa nitong katapatan sa ngalan ng kanyang sinumpaang tungkulin kaya naman ipinagmamalaki nila si Zorilla.

Kabilang si Zorilla sa PRO-ARMM Regional Public Safety Battalion na tumutulong sa Military guard strategic areas simula pa nang sumiklab ang bakbakan sa Marawi.

Aniya pa, hindi niya hahayaan na maapektuhan ng kanyang damdamin ang kanyang sinumpaang tungkulin na pagsilbihan at protektahan ang taong-bayan ano man ang relihiyon at pangkat na kinabibilangan.

Taong 2012 nang mapabilang sa Philippine National Police si Zorilla at may dalawa pang kapatid na nagsisilbi rin sa bayan, ang isa’y miyembro ng 6th Infantry Division ng Army at ang isa’y kabilang naman sa Philippine Air Force.

Post Comment