Thursday, 19 October 2017
National News Tagalog News

NEGROS ISLAND REGION, BINUWAG NI PANGULONG DUTERTE

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 38 noong Lunes na nangangahulugang tuluyang pagkansela sa Executive Order 183 o ang pagsasama ng Negros Occidental at Negros Oriental na mas kilala sa tawag na Negros Island Region.

Matatandaang ang EO 183 ay naisakatuparan noong administrasyon ni Aquino na naglalayong pag-isahin ang naturang mga lalawigan na naging ika-labingwalo at pinakabagong rehiyon sa bansa.

Ayon sa order na pinirmahan ni Digong, ibabalik na sa Region 6 at Region 7 ang mga lalawigan.

Nakasaad din sa EO na ito na hindi makatatungan at napapanahon ang pagpapatayo ng mga regional establishments na kakailanganin kung ipagpapatuloy pa ang operasyon ng NIR at bukod pa rito, maisasantabi ang iba pang mga prayoridad ng pamahalaan.

Itinakda ng bagong kautusan na dapat ay matapos na ang operasyon ng naturang rehiyon sa loob ng 60 araw at maibalik ang lahat ng mga manggagawa sa dati nilang posisyon.

Kinumpirma ng palasyo na magiging katulong nila ang DILG sa pagbabalik ng sistema ng Negros sa dati.

 

Post Comment