Tuesday, 21 November 2017
Military News Tagalog News

AFP, naglabas ng litrato ng suspek na Maute

mauteNaglabas ang tropa ng pamahalaan ng mga litrato ng mga teroristang miyembro ng Maute.

Nakita sa larawan ang mga nagpapahinga at nagnanakaw na Maute sa loob ng bahay habang patuloy silang hinahanap ng security forces.

Samantala, hindi nagbigay ng mga detalye ang mga awtoridad tungkol sa nasabing mga larawan ngunit makapagsasabi ito na ang mga terorista ay nagnanakaw sa kabahayan nang una pa lamang sumiklab ang labanan.

Ayon kay Lt.Col. Jo-ar Herrera, Task Force Marawi spokesperson, nagasasagawa ang tropa ng ground operations upang mailigtas ang iba pang nakulong na sibilyan.

Mananatili namang sasailalim sa martial law ang Mindanao hanggang matapos ang kaguluhan.

 

 

Post Comment