Thursday, 19 October 2017
Headlines National News

Marawi voters, walang bayad sa pagkuha ng sertipikasyon sa Comelec

comelecNaglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng resolusyon na hindi pagbabayarin ang mga botante sa Mindanao ng halagang P75 certification fee sa pagpapa-isyu ng Voter’s Certification.

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na hindi pansamantala ang voter’s ID at ang certificate na ilalabas ay dapat na mayroong ‘dry seal’ ng poll body, pirma at pahayag na nagsasabing wala itong kabayaran.

Ayon sa Comelec, nakahanda ang kanilang mga opisina na mag-isyu ng certificates lalo na sa mga rehistradong botante ng Marawi na kasalukuyang nananatili sa evacuation centers sa Cagayan de Oro City at Iligan City.

Maaari nila itong makuha sa Office of the Provincial Election Supervisors (OPES) sa Misamis Oriental at Lanao del Norte mula ika-walo ng umaga hanggang ika-lima ng hapon.

Ang pag-iisyung ito ay naglalayong matulungan ang mga rehistradong botante na sapilitang lumikas sa kanilang tahanan nang walang dala-dalang katibayan ng pagkakakilanlan.

Post Comment