Wednesday, 16 August 2017
Headlines Military News

TENT CITY, IPINAPATAYO NA PARA SA MGA BAKWIT SA MARAWI

Sinimulan na ang pagtatayo ng ‘tent city’ sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na maaaring magamit ng mga bakwit mula sa Marawi City.

Sinabi ni ARMM Governor Mujiv Hataman, na ito ay upang naglalayong mabawasan ang siksikan sa mga evacuation centers at maiwasan rin ang posibilidad ng pagkalat ng iba’t-ibang uri ng sakit dulot ng congestion doon.

Paliwanag pa ng Gobernador na maaaring karamihan sa mga apektadong pamilya sdahil sa gulo sa Marawi ay wala nang babalikang tahanan sakaling masupil na ang mga terorista na nagtatago sa lungsod.

Kaya naman naglalayon silang magtaguyod ng tent city na nasa pagitan ng Marawi City at bayan ng Saguiaran sa Lanao del Sur na pwedeng tuluyan ng mga bakwit.

Sa ngayon ay tinatayang mahigit 200,000 libong bakwit mula Marawi na tumutuloy sa mga evacuation centers.

Post Comment