Thursday, 19 October 2017
Headlines Military News

AFP, NANAWAGAN SA MEDIA NA MAGING TULAY NG MGA SUNDALO SA KANILANG PAMILYA NGAYONG FATHER’S DAY

gold afpNanawagan ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines sa media na nawa’y maging instrumento ito para sa mga sundalo upang maging tulay sa kanilang pamilya lalong lalo na sa darating na Father’s Day.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, na sana ay mabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga sundalo na makabati sa kanilang pamilya sa darating na Linggo.

Paglilinaw ng opisyal, maraming mga sundalong ama ang hindi makakapiling ang kanilang pamilya dahil mas inuna nila ang pagsasakripisyo para lamang makamit ang kapayapaan sa Marawi.

Aniya, kahit man lang sa ganitong pamamaaran, ay naniniwala siyang makakapagpalakas ito ng morale sa mga pamilya ng ating mga tropang nasa frontlines.

Dagdag pa ni Padilla, pwedeng mainterview ng mga media personnel ang mga sundalo na kakabalik lamang mula sa bakbakan at sinabi pa nitong maaari ring humingi ng pahintulot ang media sa mga commader ng sundalo kung pwede silang kunan ng video o picture habang iniinterview.

Post Comment