Sunday, 25 June 2017
Uncategorized

US NAVY, HANDANG MAGBIGAY NG TULONG SA AFP KAUGNAY SA PAGTUGIS SA MAUTE AT ABU SAYYAF

ronald-joseph-mercadoInihayag ng US Navy na handa silang magpa-abot ng anumang uri ng tulong kung sakaling kakailangin ng Armed Forces of the Philippines na nagpapatuloy sa pagtugis sa mga teroristang grupong Maute at Abu Sayyaf sa Marawi City.

Sinabi ni Philippine Navy Chief Vice Admiral Ronald Joseph Mercado, na ito’y resulta ng kanyang pakikipagpulong kahapon kay Admiral Scott Swift na siyang pinuno ng U.S Navy Fleet sa Asia Pacific region.

Ayon kay Mercado, suportado ng Amerika ang anti-terrorism campaign ng AFP sa Marawi City at aniya, nakahanda ang Estados Unidos na magbigay ng training sa Philippine Navy lalo na sa makabagong equipments na magagamit sa pakikipagdigmaan.

Samantala, nagpaabot naman si Swift pakikiramay sa mga pamilyang naiwan ng mga bayani ng Philippine Marines na nasawi sa Marawi City.

Sa huli ay iginiit ni Mercado na kung sakaling may kahilingan ang Philippine Navy sa Amerika ay kailangan munang  dumaan ito sa operational commanders.

Post Comment