Sunday, 25 June 2017
Headlines Military News

TAGALOG NEWS | MGA UNCLAIMED NA BANGKAY SA MARAWI CITY, ILILIBING NA NGAYONG ARAW        

Nakatakda nang ilibing ngayong araw ang unclaimed na mga bangkay sa Marawi City, sa pagpapatuloy na clearing operations ng pinagsamang pwersa ng sundalo at kapulisan.

Ayon sa pahayag ni Danilo Capin, may ari ng  Capin Funeral Homes sa Iligan City, Batay sa kanilang tala nasa dalampung bakay ang dinala sa nasabing punerarya.

Ngayong araw magkakahiwalay na ihahatid sa kani-kanilang huling hantungan ang mga bangkay dahil hindi na ito Identifiable.

Samantala, kinuhanan naman ng mga pulis ang mga bangkay ng DNA upang matukoy ang mga pagkakakilan-lan ng mga ito.

Sasagutin naman ng Crisis Management Committee ang mga gagastusin para sa libing.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit isang libo at anim na raang indibidwal ang matagumpay na nairescue ng mga otoridad mula sa mga conflict areas sa Marawi.- MMA

Post Comment