Sunday, 25 June 2017
Military News

AYUDA NG US, MALAKING TULONG SA OPERASYON SA MARAWI; AFP, BUKAS SA PAGTANGGAP NG TULONG MULA SA IBANG BANSA

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines na malaking tulong ang ayuda na ibinibigay ng Estados Unidos sa pagtugis sa mga teroristang maute sa Marawi City.

Sinabi ni Brigadier General Restituto Padilla, spokesperson ng AFP na huwag na sanang gawan pa ng isyu ang pagtulong ng US sa militar.

Aniya, hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang palakihin ang pagtulong ng US, at sinabi nitong humingi ng tulong ang AFP sa US dahil malaki ang maitutulong nito sa kanilang operasyon dahil mas marami nang experience ito sa pagpuksa ng terorismo.

Sinabi naman ni Padilla na, sa ngayon ay sinusubukan ng gobyerno na bumili ng mga kagamitan na mas magpapalakas sa kakayahan ng AFP upang matugis ang mga terorista sa bansa.

Matagal naman nang nilinaw ng militar na technical support lamang ang ayuda ng US Forces na nasa Marawi City.

Binigyang-diin naman ni Padilla na, bukas ang pamahalaan sa pagtanggap ng tulong hindi lamang sa Amerika kundi pati na rin sa iba pang kaalyadong bansa upang tuluyan nang mabura sa mapa ng Pilipinas ang mga terorista.

Post Comment