Saturday, 24 June 2017
Headlines Military News

TAGALOG NEWS | Maute terror group nagsimula ng mangidnap

MARAWINangingidnap na ang Maute terror group ng mga na-trap na sibilyan na Marawi City.

Sa ulat na nakarating sa Armed Forces of the Philippines (AFP), walo sa labing-walong sibilyan na nagtatago sa loob ng tinaguriang “war zone” sa marawi Ang dinukot ng mga terrorista mula sa kanilang pinagtataguan.

Ayon sa AFP ang insidente ay naganap kahapon ng umaga, kasabay ng pagdiriwang ng ika-119 na araw ng kalayaan ng bansa.

Batay sa kwento ng limang survivors, kumatok ang mga terrorista sa pinto ng bahay na kanilang pinagtataguan, at mang makapasok ay nagpulasan ang mga nagtatago sa loob ng bahay.

Anila, nagpaputok ng baril ang mga terrorista at tinamaan at na patay ang Lima sa kanilang mga kasamahan, habang nagawa naman mga terrorista na mabihag ang 8 iba pa.

Ang limang survivor ng insidente ay na-recover ng mga tropa at kasalukuyang binibigyan ng relief assistance ng AFP, LGU at mga civil society organizations.

Post Comment