Saturday, 27 May 2017
Uncategorized

AFP, NANAWAGAN NG PAGKAKA-ISA SA MGA LGU AT RESIDENTE SA MINADANAO

gold afp“Makiisa sa laban para sa mga mamayan at sa bayan.”

Ito ang hamon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa local na pamahalaan at mga residente ng Sulu, kaugnay sa patuloy na karumal-dumal na gawain ng bandidong grupong abu sayaff (ASG)

Ayon ky Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., Commander ng Western Mindanao Command o (WesMinCom) mahalaga ang tulong ng lokal na pamahalaan at mga residente ng Sulu para tuluyang matuldukan ang kawalanghiyaan ng abu sayaff, na ang pinakahuling ay ang pamumugot sa ulo ng kapwa nila muslin a sundalo.

Matatandaan na dinukot at pinugutan ng ulo ng mga Abu Sayyaf si Sgt. Anni Siraji na kapwa kapatiran nilang Muslim (BalikIslam) na kawani ng 32nd Infantry Battalion na naka base sa Barangay Taglibi, Patikul, Sulu.

Si Sgt. Siraji ay tinaguriang peace maker sa Sulu dahil sa di matatawaran nitong mga gawain, katulad ng di paggamit ng armas at dahas upang tuluyang mahikayat ang kapwa mga Muslim na magbalik pamahalaan at makiisa sa tunay na kapayapaan ng bansa.

Post Comment