Thursday, 27 April 2017
Military National News Tagalog News

DALAWANG SUNDALONG DINUKOT NG NPA, NAKALAYA NA

garayLaking pasasalamat ng dalawang sundalong dinukot dahil nakalaya na sila mula sa mga kamay ng komunistang grupo na New People’s Army o NPA kahapon matapos ang tatlong buwan na pagkakabihag sakanila.

Pinalaya ang dalawang sundalo sa Sitio Datal, Pitak, Baranggay Colonsabak, Matanao, Davao del Sur.

Sinabi ni Sgt. Solaiman Calocop, isa sa dalawang bihag na pinalaya, ito na ang pangalawang buhay nila at nagpahayag ito ng pasasalamat sa mga tumulong upang sila’y makalaya.

Samantala, nagpasalamat din si Private First Class Samuel Garay, sa mga kasamahan niyang sundalo na hindi tumigil hanggang sa sila ay mapalaya.

Matatandang nanindigan ang Armed Forces of the Philippines na hindi ito magiisyu ng Stoppage of Military Operations o SOMO na hinihingi noon ng mga komunistang grupo alinsunod na rin sa mga ‘compelling reasons’ na binanggit ng Pangulo upang umusad ang peace talks.– EPJA

Post Comment