Thursday, 29 June 2017
Headlines Tagalog News

2 bomba sumabog sa Tuburan Basilan

tuburanDalawang pagsabog ang naganap sa Tuburan, Basilan kung saan sugatan ang isang scout ranger at driver ng Mayor ng naturang bayan nito lamang Sabado.

Isang lawless group umano ang may pakana ng naturang pag-sabog.

Kinumpirma ni Major General Calrito Galvez Jr, commmander ng Western Mindanao Command na naganap ang pagsabog habang nagsasagawa ng joint medical at dental activities ang mga sundalo ng 3rd Scout Ranger Battalion at municipal government ng Tuburan.

Naunang naganap ang pagsabog ng isang home-made bomb na agaran namang rinespondehan ng Explosive Ordnance Disposal o EOD, matapos nito, ilang metro lamang mula sa pinangyarihan ng insidente ay mayroon na namang panibagong pagsabog.

Narecover ng EOD ang dalawang pirasong circuit, isang handheld radio, dalawang battery at nasa 20 metro ng electric wire.

Ayon pa sa ulat, ginawa ang naturang pagsabog upang makapang gulo sa medical mission at para na rin makapanakot sa mga residente.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon sa kung sino ang tunay na utak sa likod ng pagsabog, at ipinagpatuloy rin ang medical mission para sa mga residente.

Post Comment