Sunday, 25 June 2017
Foreign News Tagalog News

British national na sasapi umano sa ASG hinatulan ng guilty ng UK court

UKGuilty.

Ito ang naging hatol ng isang korte sa United Kingdom sa isang British national sa kasong may kaugnayan sa terorismo matapos matuklasan ang plano nitong pagbiyahe Pilipinas para sumapi sa Abu Sayyaf.

Si Ryan Counsell, 28 taong gulang ay nagplano na bumiyahe sa Pilipinas noong July 13, 2016 pero naharang siya ng mga otoridad.

Si Counsell ay pupunta sana sa Zamboanga para sumapi umano sa bandidong Abu Sayyaf.

Matatandaang kabilang sa listahan ng mga teroristang grupo ng Britanya ang Abu Sayyaf.

Nakuha ng mga otoridad kay Counsell ang isang manual ng paggawa ng mga bomba at napag-alaman din na bumili ito ng iba’t ibang military-style na mga damit at gamit.

Sa pahayag naman ni Counsell sinabi nito na ang pagtungo sana nya sa Zamboanga ay para sa isang charitable relief work.

Samantala, itinakda naman ng korte sa ika-3 ng Marso magiging kaparusahan  sa British national.

 

Post Comment