Thursday, 29 June 2017
Headlines National News Police Tagalog News

PNP-AIDG binuwag na ni Dela Rosa

bato-dela-rosaNagtapos na ang war on drugs.

Ito ang inanunsyo ni PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa sa kanyang message sa flag raising ceremony sa kanina Camp Crame.

Sinabi ni Dela Rosa, ang pangulong Duterte ang nag-utos sa kanya na itigil muna ang kampanya kontra droga at sa halip ay tutukan na muna ng PNP ang internal cleansing nito.

Makaraan ang pagkidnap at pagpatay sa koreanong si Jee Ick Joo, ng umanoy sindikato ng mga tiwaling pulis na pinangungunahan ni SPO3 Ricky Sta. Isabel at Superintendent Rafael Dumlao.

Idinagdag pa ni Dela Rosa na siya ay pagod na, nahihiya at nadidismaya sa mga tiwaling pulis na responsible sa karumaldumal na krimeng ito na naganap pa sa loob mismo ng Camp Crame.

Samantala, agarang binuwag ni delarosa ang PNP Anti-Illegal DRUGS Group (AIDG), at lahat ng mga anti-drug units sa regional, provincial, city at station level.

Habang lilikha naman umano si Dela Rosa ng isang counter intelligence task na ang magiging tanging tungkulin ay Tugisin ang mga tiwaling police.

Tiniyak ni Dela Rosa na ang giyera kontra police scalawags ay magiging kasing tindi ng kampanya kontra droga, at matapos lang ito ay tuloy muli ang kampanya kontra droga. –ALS

 

Post Comment