Thursday, 19 October 2017
Headlines National News

Pangulong Duterte, humingi ng tawad ukol sa pagpaslang kay Jee Ick Joo

Personal na humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa matapos ma-kumpirema ang pagpatay kay South Korean businessman Jee Ick-Joo.

Ginawa ito ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa ceremonial switch-on ng Alcantara Group Coal plants sa Maaasin, Saranggani province.

Tiiniyak naman ng Pangulo na pagdudusahan sa kulungan ng mga suspek na pulis ang ginawa nilang pagdukot at pag patay sa biktima.

Sinabi pa ng pangulo na maaaring ipadala nito sa South Korea ang ulo ng mga pumatay sa koreano. Dagdag pa niya, na hindi niya palulusutin ang mga tiwaling pulis at papatawan niya ito ng matinding parusa.

Samantala, nangako pa ang pangulo na magiging ligtas na ang Ka-Maynilaan sa loob ng susunod na taon.

Binalaan pa niya ang mga opisyal ng LGU’s na huwag na magbalak ang mga ito na masangkot sa iligal na droga kundi ay aniya, mamamatay ang mga ito.

Post Comment