Monday, 27 March 2017
Headlines Military National News

AFP, nakibahagi sa pag-baklas ng fish pens sa Laguna de Bay

fishpenMatapos mag issue ng final warning ang Department of Natural Resources noong nakaraang buwan, inumpisahan na kahapon ang pagbaklas sa mga fish pen at fish cages sa Laguna de Bay.

Ang naturang operasyon ay pinangunahan ng DENR, Laguna Lake Development Authority (LLDA), National Bureau of Investigation, Philippine Army at ng Philippine Navy.

Ayon kay Environment Undersecretary Arturo Valdez, isinagawa ang operasyon alinsunod na rin sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang Laguna de Bay mula sa mga iligal na fish pen na nagpapasikip dito.

Samantala, sinabi naman ni DENR Secretary Gina Lopez na namamataan nang bumabalik ang mga lokal na mangingisda sa lawa, na ayon kay Lopez, siyang nararapat lamang dahil para naman talaga dapat sa mga tao at hindi sa mga malalaking kumpanya.

Nilinaw naman ni Valdez na hindi tatanggalin ang mga baklad o fish traps na inilagay ng mga lokal na mangingisda. Ang demolisyon sa mga fish pen ay upang ma-save mula sa dagdag na polusyon ang lawa, at para na rin makapag-bigay daan sa mga maliliit na mangingisda.

Sinabi naman ni Commander Armand Balilo, spokesperson ng Philippine Coast Guard na 150 coast guard at 18 vessels ang idineploy para sa pagsasagawa ng clearing operations.

Post Comment