Saturday, 25 March 2017
Headlines Military News Regional Tagalog News

7 Sundalo, Sugatan sa pagtugis sa isang Narco-Politician sa Maguindanao

maguindanaoSugatan ang pitong sundalo matapos masabak sa isang firefight laban sa grupo ng isang puganteng alkalde na kasama umano sa listahan ng Narco-politicians ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ampatuan, Maguindanao.

Kinumpirma ni Maguindanao’s Provincial Police Director Senior Supt. Agustin Tello na pitong sundalo ng Army na tumulong sa pagtugis kay Ampatuan Mayor Rasul Sangki ang sugatan sa Baranggay Salman.

Nagsimula ang pagkakagulo sa naturang Baranggay, nang ang mga taga-suporta ni Sangki na armado ng M-14 at M-16 rifles at may dala pa ang mga ito ng 40-mm grenade launchers ay sinimulang paputukan ang mga tauhan  ng Criminal Investigation and Detection Group at ang tropa ng Army nang ihain sa kanilang hideout ang warrant of arrest.

Samantala, 4 sa mga tauhan ni Sangki ang namatay habang tatlo naman ang sugatan dahil sa insidente. –EPJA

Post Comment