Thursday, 19 October 2017
Headlines Military National News

Philippine Air Force, nagpa-abot ng pakikiramay sa Pamilya ni Lt. Col. Pawa

pafNagpapa-abot ng pakikiramay ang pamunuan ng Philippine Air Force sa buong pamilya ni Lieutenant Colonel Gary Pawa kasunod ng pagbitay sa kapatid nitong si Jakatia Pawa.

Sinabi ni Colonel Antonio Francisco, tagapag-salita ng Phil. Air Force na handa silang mapahatid ng tulong sa pamilya ni Lt. Col. Pawa lalo na sa dalawang naulilang mga anak ng kapatid nitong si Jakatia.

Ayan kay Francisco, tulong-tulong sila sa Air Force para ibigay ang suporta ngayon ng pamilya Pawa para maibsan ang bigat ng kanilang damdain. Kahit pa ito’y sa pormang pinansyal, o emotional support.

Nangako rin si Francisco na pagsusumikapan ng buong air force na matulungan sa pag-aaral ang dalawang anak ni Jakatia.

Si Lt. Col Pawa ang tumatayong ama-amahan ng dalawang anak ng kapatid at sa kanyang tirahan sa Zamboanga tumutuloy ang mga ito. Dagdag pa ni Francisco, dalangin ng Air Force ang kapayapaan para sa buong pamilya ni Lt. Col. Pawa.

Post Comment