Monday, 27 March 2017
Headlines National News Police Tagalog News

SAF 44 posibleng bigyan lahat ng Valor award

safIpinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na pag-aralan ang record ng SAF44 kung pwede silang magawaran ng Medal  of Valor.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang naturang direktiba kay Dela Rosa sa kanyang pakikipag-pulong sa pamilya ng SAF44 sa Malakanyang kahapon.

Ayon kay Duterte, bibigyan niya si Dela Rosa ng hanggang katapusan ng Enero upang  mapag-aralan ang mga records, magpasa ng rekomendasyon at aniya, agad niya itong aapubrahan.

Sakaling matapos ang naturang direktiba, magtatakda ang Pangulo ng araw para sa paggawad ng Medal of Valor sa SAF44 at idedeklara itong Day of Remembrance.

Matatandaang dalawa lamang sa apatnaput apat ang nabigyan ng parangal noong 2015.

Post Comment