Sunday, 24 September 2017
Headlines Military News Tagalog News

AFP Chief imungkahing ibigay ang lahat ng makakaya kontra Abu

edHinimok ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Gen. Eduardo Año ang tropa at mga opisyal na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya upang masugpo ang Abu Sayyaf at iba pang mga teroristang grupo.

Ipinag-utos ni Año sa mga miyembro ng Joint Staff na italaga ang mga mahuhusay na opisyal sa nasabing kampanya at gamitin ang mga maaayos na kagamitan.

Ipinahayag din ni Año ang kanyang paghanga sa isinasagawang preparasyon ng tropa mula sa kahandaan ng mga kagamitan hanggang sa support units.

Matatandaang sinabi ni Año na susugpuin nila ang bandidong grupo sa loob ng anim na buwan.

Post Comment