Thursday, 29 June 2017
National News Police

General Bato dela Rosa, mananatiling PNP Chief

Hindi tinanggap ng Pabato-dela-rosangulong  Rodrigo Duterte ang verbal na alok ng pagbibitiw sa tungkulin ni PNP Chief Dir. Gen.  Ronald bato dela Rosa.

Sinabi ni dela Rosa matapos ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan kagabi, na kinausap niya ang pangulo tungkol sa panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magbitiw na siya sa puwesto bilang PNP chief.

Ito ay sa gitna ng kontrobersyang bumabalot sa PNP sa pagkidnap at pagkamatay ng koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo sa kamay umano ng mga pulis.

Ayon kay dela Rosa, tinanong siya ng pangulo matapos niyang imungkahi ang kanyang pagbibitiw kung bakit niya ito kailangang gawin gayong ginagawa naman niya nang maayos ang kanyang trabaho bilang PNP Chief.

Bilin pa ng pangulo, ipagpatuloy lang ni dela Rosa ang kanyang ginagawang paglilinis ng hanay ng PNP sa mga tiwaling pulis.

Ang pangulo ay isa mga panauhin ni dela Rosa sa naturang selebrasyon, kasama si speaker Pantaleon Alvarez. – ALS

Post Comment