Saturday, 16 December 2017
Military National News

General Año: WesMinCom, lipulin ang ASG sa loob ng anim na buwan

Hinimok ni Armafp-genuine-logoed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardoang mga military personnel na nasa Western Mindanao Command na sundin ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na lipulin ang Abu Sayyaf Group sa loob ng anim na buwan.

Matatandaang noong January 18, bumisita si General Año kasama ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Simunul at Sibutu Island noong umaga at dumiretso naman ito sa Jolo, Sulu noong hapon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Marine Col Edgard Arevalo, historic umano ang naturang pagbisita ni General Año sa frontline units sa Western Mindanao dahil hindi lamang nito sinama si Secretary Lorenzana kundi halos ang buong AFP.

Sinabi ni General Año na satisfied ito sa kanilang preparasyon lalong lalo na sa personnel, equipment, intellegence, psychological operation at support units.

Dinagdag pa niyang sa pamamagitan ng mga bagong plano, mas mapapadali ang pag-supil sa ASG dahil gagamitin nila umano ang mga lumang operation plans at imomodify ang mga ito para mas lalo itong maging epektibo.

Sa huli ay hinikayat ni General Año ang mga sundalo na tatagan ang kanilang loob, at ibigay nila ang kanilang makakaya para sa kanilang laban sa ASG at iba pang mga teroristang grupo.– EPJA

Post Comment