Sunday, 24 September 2017
Military News Police

39IB Kasama ang ilang Makilala MPS, naka-sagupa ang isang LAG sa North Cotobato

Nagkapalitan Makilalang putok ang tropa mula sa 39th Infantry Battalion kasama ang ilang pulis mula sa Makilala Municipal Office, North Cotabato laban sa isang LAG o lawless armed group noong Sabado ng hapon.

Sinasabing nangingikil umano ang naturang grupo mula sa isang truck driver na si Delio Tongcos at pinagbantaang pagsisisihan ng kanilang kumpanya kung sakaling hindi sila makakapag-bayad sa LAG.

Matapos nakawin ang truck, humingi ng tulong si Tongcos sa Makilala Municipal Police Station na siya namang humingi ng assistance sa 39IB na agad namang inaksyunan.

Kaya naman nang maabutan ng otoridad sa Brgy. Biangan, nakipagbarilan ito laban sa pwersa ng pamahalaan bandang alas-singko ng hapon na tumagal ng halos isang oras.

Sa sumunod na araw bandang alas singko y media ng umaga, ay iniinspeksyon ng mga sundalo ang lugar kung saan naganap ang insidente at muli silang pinaputukan ng naturang grupo.

Matapos tumagal ng kalahating oras ang barilan, narecover ng tropa ang tatlong high-powered rifles, at ilang personal na gamit at isang hindi pa nakikilalang bangkay. Patuloy pa rin ang isinasagawang follow-on pursuit operations laban sa LAG. -EPJA

Post Comment