Saturday, 27 May 2017
Uncategorized

Pangulong Duterte pinangunahan ang oath taking ng 75 police generals

Photo from google
Photo from google

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang oath taking ng 75 bagong promote na mga heneral ng Philippine National Police (PNP) kahapon sa isang simpleng seremonya sa Rizal Hall sa Malacańang.

Kabilang sa mga nanumpa si PNP Chief Ronald Dela Rosa, dalawang Police Deputy Director Generals, 14 na Police Directors at 59 na Police Chief Superintendents.

Ang oath taking ay kasunod ng pag-apruba ng Pangulong Duterte sa rekomendasyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary at NAPOLCOM Chair Mike Sueno at PNP Chief sa promosyon ng mga senior police officials.

Ang 75 police generals ay nasa iba’t-ibang posisyon sa PNp Commnd Group, Directorial Staff at National Support Units.

Post Comment