Thursday, 27 July 2017
Headlines Military News

LTC Angcao itinalagang Commander ng 73IB

Photo from 73IB
Photo from 73IB

Pinangunahan ni Major General Rafael C Valencia, Commander ng 10th Infantry Division ang “Change of Command Ceremony” ng 73rd Infantry Battalion  (73IB) kahapon, ika-19 ng Enero 2017, sa Brgy Felis, Malita, Davao Occidental.

Itinalaga bilang bagong Commander ng 73IB si Lt. Col Marion T Angcao habang si Lt. Col. Felix Ronnie B Babac ay inilagay na Chief, Operation Division ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) sa Davao City.

Kinilala naman sa naturang okasyon ang dedikasyon sa serbisyo ni LTC BABAC, kung saan napili siya ng Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated (PMAAAI) na CAVALIER AWARDEE (PMA Outstanding Alumni) para sa army operations sa taong 2016.

Matatandaang si LTC BABAC ang nanguna sa pagkawasak ng Guerilla Front 75 noong 2015 matapos ang naging engkwentro ng mga sundalo sa mga rebelde noong ika-15 ng Pebrero 2015 sa Alabel, Saranggani na nagbunsod sa sunud-sunod na pagsuko ng mga rebelde.

Post Comment