Saturday, 16 December 2017
Headlines National News Regional

Lider nang MNLF nahuli sa checkpoint

marawiSinampahan ng awtoridad ng kasong Illegal possession of firearms and explosives ang nagpakilalang lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Allem Abdullasiz Aminadin at iba pa nitong kasamahan matapos silang mahuli sa military checkpoint sa Baranggay Matampay at Mipaga, Marawi City noong Martes ng gabi.

Dinala ang grupo ni Aminadin sa City Police Office matapos bigong makapagbigay ng mga dokumento na magpapatunay na legal ang kanilang dalang mga gamit.

Kabilang sa mga nakumpiska ay ang M-60 machine gun, barret sniper’s rifle, garand rifle, improvised recoil, rifle grenade at limang handguns.

Kasama sa mga nahuli ang isang 16 na taon lalaki.

Samantala, ayon naman kay Briadier General Roseller Murillotinitignan nila ang posibilidad kung may koneksyon si Aminadin sa Maute Group.

Post Comment