Monday, 27 March 2017
Headlines News Police

Dela Rosa itinanggi na may ‘breakdown ng rule of law’ sa bansa

bato-dela-rosaUmalma si Philippine National Police(PNP) Chief, Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa naging pahayag ng isang grupo ng human rights group, kung saan sinabi ng mga ito na ang pagkamatay ng koreano na si Jee Ick Joo sa kamay ng mga pulis ay senyales ng “breakdown ng rule of law” sa Pilipinas.

Pahayag ni Dela Rosa mas nakakaalarma ang mga gawain ng tiwaling pulis noong mga nakaraang taon pero hindi naibabalita.

Dagdag pa ng heneral na sa administrasyon lang ni Pangulong Duterte nabubunyag ang lahat ng tiwaling gawain ng mga pulis na pinabayaan lamang ng mga nagdaang liderato ng pambansang pulisya.

Samantala, inihayag ni Dela Rosa na nauunawaan nya ang mga dating PNP Chief kung hindi sila makagalaw noong nakalipas na panahon dahil hindi naging prayoridad ng mga nagdaang administrasyon ang internal cleansing ng PNP.

 

Post Comment