Saturday, 25 March 2017
Headlines Military News

Dalawang Filipino Hostage ng ASG, nasagip sa Sulu

suluNasagip na ang dalawang Filipinong hostage ng Abu Sayyaf kahapon ng umaga sa Indanan, Sulu.

Nakipag-ugnayan ang Joint Task Force Sulu (JFTS)  sa Armed Forces Western Mindanao Command (WesMinCom) at kinilala ang mga pinalayang hostages na sina Dolcesimo Alimires at Esteban Janamjanm.

Sa pangunguna ni Lt. Col. Arnel Baccay ng Air Intelligence Service Group at ni Lt. Col. Yusop Hassan ng Joint Intelligence Task Force Sulu, ay nai-rescue ang mga hostages sa Barangay Tagbak, Indanan.

Agad namang dinala sa JTFS headquarters sa Camp Teodulfo Bautista ang mga biktima.

Inamin ng mga biktima na may kasama silang dalawang escort mula sa ASG at ihahatid sila sa panigbagong area sa Parang, Sulu nang biglang dumating ang tropa ng gobyerno.

Agad namang tumakas ang dalawang escort matapos nilang matunugang may presensya ng government forces sa lugar. -EPJA

Post Comment